.

"The alternative way to solve problem is to do nothing"

Im BACK at home...

Andito ako ngayon, hindi dahil mas pinili kong iwanan ang isa kong blog pero mas gusto ko yatang maging bahagi at parte uli ng nakaraan ng blog na to. Sa dami ng magagandang comments at kasiyahan na iniwan ko dito siguro dapat lang din na bigyang pansin na minsan mag balik tanaw at mapangiting muli dahil sa nakaraan.

Sa totoo lang di ko parin alam kung bakit mas pinili ko dito magpalipas ng oras, nga pala may broadband connection na ko kaya pwede ko na gawin ang pagpapalipas oras dito nang hindi ko iisipin na tumatakbo ang oras na may maubos akong load sa cellfone ko.

Sa ngayon back to school ako, MBA, hindi ko alam kung bakit ba ako nag desisyon na mag aral uli, isa lang naman ang rason ko... "sayang ang oras". Tumatanda at tumatakbo ang oras, di na nga ako makasabay sa bilis ng pagbabago. Ayokong dumating ang panahon na sa wala lang ako babagsak. Sa sitwasyon ko ngayong gustuhin ko man magtrabaho hindi ko pa rin mapag desisiyunan dahil na rin sa "unexpected responsibilities" na nakaatang ngayon sakin. Napapagod na ko, sa totoo lang hindi ko ginusto na andito lang ako, may pangarap din ako at gusto ko yun abutin. Pero "im bound to do things unexpectedly". Sinubukan ko mag hanap ng trabaho, katunayan pinababalik ako, dumarating talaga sa sitwasyon na kailangan ko timbangin ang lahat pero eto ako at tuluyang nalunod na sa responsibilidad. Sa totoo lang wala naman talaga ako ginagawa, tatambay lang sa bahay at may darating ka ng allowance monthly, yung iba siguro sasabihin masaya yun pero pano nga kung hindi naman yun yung gusto ko.

Ilang beses ko na rin sinabi sa kanila na gusto ko na magtrabaho, may dati akong trabaho na pwede kong balikan, maswerte pa nga ako at ako ang tumatanggi sa kanila, pero wala rin naman mangyayari na kahit gustuhin ko magtrabaho eto pa rin ako "im bound to do things that i don't really wanna do". Teka, ano nga ba talaga gusto ko? Simple lang naman... gusto kong maexperience ang pag akyat (corporate ladder), at sa pag lingon ko masasabi kong nakarating ako sa estado na to dahil sa pinag hirapan ko. Aaminin ko, pwede ako makabili ng gusto ko nang kahit hindi ko pinaghihirapan, isang salita ko lang malamang bigay na sila agad, pero pano nga kung hindi yun yung gusto ko? Pano nga kung hindi yun yung buhay na pangarap ko. Nakakatakot, pano kung masanay ako sa ganung sitwasyon at sa huli wala na pala ako dapat maasahan.

Masarap din isipin na dahil sa pinag hirapan, maaaring makatulong ng hindi nag aalinlangan. Ang dami kong pangarap at nakakalungkot isipin na ang pangarap ko ang kailangang isakripisyo para sa isang responsibilidad. Kung gugustuhin ko pwede ko abutin unti unti yun, pero ayoko rin dumating ang panahon na kailangan kong talikuran ang responsibilidad ko para sa pamilya ko.


We usually see only the things we are looking for; so much that we sometimes see them where they are not!

NAGLAYAS

nag alsa balutan... nakipag tanan (toinks)

http://lifelessserious.wordpress.com

Fridge Cake


Pagkatapos malapastangan ang aking buhay pag ibig sa aking huling entry natural dapat lamang masundan yan ng isang magandang hinaharap.. Ganun pa man… wag mag apura kasi hindi tungkol dun ang entry ko noh! Haay apoo… Actually, may share lang ako na recipe… ang name… TeenToinks na may sub title na “fridge cake, mapapatumbling ka sa sarap” ahihihi.. Since mag Christmas na… ako lagi in charge sa desserts every okasyoness sa munting bahay ni lola.. though wala sila tiwala sa mga pagkain na niluluto ko (dahil hindi ako marunong magluto) believe me I made them do the “tumblisplitation” sa recipe na toh! Ahihihi kasi di ko naman niluluto toh eh…
Bukavulary ni Tina:
Tumblisplitation: process of splitting while doing cartwheel exercise (nose bleed ba gusto nyo… ? Pwes ayan ang hanap nyo! (ahihi)
Bago magdatingan ang mga sambayanang susugod ng handa … dapat mga 12noon few hours bago mag “Noche Buena” gawin na etong recipe na toh.. eto po ang ingredients and ratio. WARNING: sumunod lang sa ratio… or else aamagin yan (ahihihi).. “if symptoms persist, consult your doctor…” toink!
1 big can Nestle Cream
2 Magnolia All Purpose Cream
1 Alaska Condensed Milk
Graham Crackers
(kung katulad po kayo ng kuya ko na naghahanap ng Grammar Crackers sa store… tantanan nyo ko… wag na kayo gumawa)
Oreo Cookies (pwede naman choknot, pwedeng knick knacks milk or chocolate flavor)
1 tsp. of coffee
(yes.. kape… wahh kape…!)
Procedure:
12:00pm: Kumuha ng container na sa tingin nyo ay kakasya ang 1 gatas, 2 magnolia all purpose cream, 1 nestle cream.. just make sure walang melamine ang mga sangkap baka masisisi pa ako, ok!? Ay bilis… wag ka mabagal… Pasko na!

12:30pm: sa bagal mong mag hanap ng container inabot ka ng kalahating oras sa pag hahanap, paghalu-haluin ang mga sumusunod … 1 big can Nestle Cream, 2 Magnolia All Purpose Cream at 1 Alaska Condensed Milk at habang hinahalo buksan ang TV at sumunod sa sayaw na “giling giling” ng Wowowee

12:45pm: Dahil naaliw ka sa paggiling ni Luningning at nakigiling giling ka na rin… inabot ka ng 15minutes sa pag giling na dapat ay 2minutes mo lang hinalo. Ganun pa man, wala naman epekto yan sa lasa. Kumuha ng isang kutsarang mainit na tubig tunawin ang 1 tsp. of coffee kung katulad ko ikaw na Coffee lover malamang magtitimpla ka rin ng kape mo sa katanghaliang tapat habang nakikigiling giling kay Luningning, Milagring at Marifosa. Toinks! Ok.. asan na yung nilusaw mo na kape sa isang kutsarang tubig? Isama yun sa mga pinaghalu-halong sangkap ng gatas, all purpose cream, at nesle cream.

1:20pm: O sya, bat ko ba inoorasan? Kuneksyon ng oras? (bat ba kasi?) durugin na ang Oreo Cookies wag na makulit.. wag masyadong durog kasi mas masarap pag may konting texture na nakakain sa “fridge cake” at isama sa mixture

1:25pm: Kumuha na ng container na square or rectangle, ilagay ang 1st layer ng graham tas lagyan na ng mixture na ginawa na sa tingin mo sakto lang sa 1st layer of graham crackers.. isunod ang 2nd layer ng graham crackers at ulitin ang ginawa sa 1st layer gang maka “the more.. the merrier” ka na!

1:47pm: Optional.. lagyan ng dinurog na Oreo cookies ang ibabaw para BONGA! ahihihi

Ah-ha! Tapos na.. lagay nyo lang sa refrigerator (wag sa freezer.. kasi hindi sya freezer cake… fridge cake po sya!) at make sure i-lock ang ref para hindi malusob ng sambayanang uhaw sa “fridge cake” ahihihi…

Oh Ayan.. napatunayan ko po na babae ako.. walang duda! Kasi marunong ako mag luto ng walang apoy! Toinks!
Ang kulet nyo!



HalleyParrot 4evah

ANNEX A

Ok, bago pa mag taasan ang kilay ng mga taong nahihimlay, mga taong nag ninilay nilay at mga taong sawi.. (uy! ako ba un?) Ako muna inyong pakinggan…. este mag basa na lang pala kayo.. (tsuri! ahihi)



Dahil may isang kaibigan ako’y pinabayaan..
Iniwan sa kangkungan… Walang malapitan…

Shut up tina.. (OA ka na ha!) Here’s the story bout that ANNEX A evidence (nagsusumbong).. as what we all know, lumipat na ng site si Master Ooqay from blogspot to wordpress.. but the funny thing (actually hindi funny.. hindi ako natuwa.. amp! Angal?) is that he wanted me to visit his blog as if I don’t have another hours to visit it (demanding ang loko! Amp!) So, pagdating ko sa blog nya… wapak… wala ang name ko sa BLOG ROLL nya (kinalimutan ang lola) hmp! Lahat.. as in lahat andun EXCEPT my name/blog! (oi.. wag mo na deny, may ebidensya ako! amp!) So alsa balutan ang beauty ko… plus todo nag kay Master Oooqay.. bwahaha! Don’t worry nakaganti naman na ko eh, tinalakan ko sya ng bongang bonga! Ahihihi But still.. kinalimutan pa rin nya ako! (huhuhu…)

Since pinag uusapan na rin lang si Master Ooqay I just wanna give him half clap (hindi nag abot.. pang asar lang..ahihi) for the job well-done sa “Can I have the Last Dance?” blog (http://compilationofstories.blogspot.com/). Infairness, nakakakilig... gang ngayon oh.. nakangiti ako (masakit pa ipin ko nyan ha!) Bat nga kaya pag love ang usapan may mga di mapigil ang kilig… Hindi naman sa kinokontra ko ang sangbayanang kapusuan.. Pero minsan nakakatakot lang din magmahal, hindi dahil ayaw mo kung hindi dahil ayaw nya… bwahaha… (serious mode ba?) Hay! Sigh! Asa ka pa kasi eh!

But newei.. one time my friend asked me this “diba pag mahal mo isang tao dapat walang turn offs?” Tama naman diba? You have to love him/her at the worst he/she could be… Nakakatuwa ngang isipin na may isang tao na magmamahal sayo kahit na bagong gising ka… kahit di ka pa nagtu-tooth brush, kahit patay pa limang kuko mo sa paa at kahit may alipunga at hadhad ka pa (oh.. love mo diba?) Sometimes love blinds you, kasi you only see what you want to see, pero pano nga kung may hadhad at alipunga sya? Oh diba… ano yun pipikit ka na lang at sikmurain ang mga kahadharan nya? (ahihihi) Ok.. serious mode na ko.

Kidding aside, mahirap makarelate sa mga bagay bagay na hindi mo pa naranasan, hindi naman dahil walang nagmahal or wala akong minahal.. siguro sabihin na lang nating “it could have been, but not become” or “almost but not quite” in short… Muntik na! May mga stages nga daw yan, merong crush, tas like tas love tas “ASA KA PA” stage! Ahihihi (Optional po yung “asa ka pa” stage, sakin lang yun.. ay!) Lahat ng stages na yun pinagdaanan ko naman.. so malamang normal naman ako (babae na nag mamahal at nasasaktan, weh..? Bakla!) Pero masakit kasi nung nasa ‘peak” (to the highest level) ka na ng love at ang kulang na lang formal agreement bigla kang ibabagsak sabay sabing “ayokong ipagpalit ang isang relasyon (friendship) na napakatagal na sa isang relasyong (commitment/love) hindi ko alam kung hanggang kelan tatagal” (di ko naman tinatanong.. amp!) (praying: sana wag nya po itong mabasa) Well, sorry sya hindi naman ako nagsisi! Hehe Nasaktan lang naman ako, hmmm.. umiyak naman ako mga 2 nights (oo na 3 nights.. sige 1 week.. tama na yun masyado na syang gwapo ha!) na hinagpis at pagbabaliktanaw sa mga kaganapang kala mo walang katapusan (wahh.. nyemas ang lantod mo tina!)… ngunit subalit datapwat… ay! tama na yun gang dun lang ang story eh, walang replay button. Pero ang ending… umiwas na ko! Toinks! Ahihihi Gaya nga ng nabasa ko sa isang comment na puro kuneho ang usapan.. normal lang naman daw sa isang lalaki ang mag-flirt at magpalipad hangin so kasalanan mo “babae” kung sasakay ka or hindi.. So kung ganon ang laban, pano mo malalaman or makikilala si “lalake” na para sayo? May nabasa naman ako na.. “bawal umihi dito” (ay mali… anong page ba?) ahmm.. na wag daw maniwala sa guy pag sinabihan ka ng “I love you” (hindi naman lahat…),sinabihan naman nya ako na “he loves me” at “kahit mawalan na sya ng sampung girlfriends na sabay sabay… wag lang ako” (dinga? Naniwala ka naman?).. eeewww… bat ako maniniwala duh… umasa lang po, kala ko totoo eh (ahihiihi.. bat ba kasi.. trip trip yan eh.. adik!)

But newei my point is pointless (so la na naman wenta ang entry ko? Ganon?), it’s up to you.. magmahal ka man or masaktan, we have to be fair! We are living in a very complicated world so stop making it complicated (ay! magulo, nagpapagulo ka tina!), ang daming problema ng bansa.. bukod sa rice shortage meron na ring tissue shortage kakapunas ng mga luhang pinaiyak (nyo!) Uy! Basahan gamit ko! Ahaha.. may welga ba? Isa lang naman gusto ko sabihin eh… Life is beautiful… and so I am! (ahaha.. kanya kanyang blog lang yan! Angal pa eh! Adik!)



HalleyParrot 4evah

The Unexpected Visitor


About the title, I’ve read “The Unexpected Visitor” way way back high school pa yata ako, di ko na matandaan kung ano kwento, in short totally “no idea” na ang lola. Siguro dahil na rin sa ahhh.. ehhh sa… sa… ano nga uli yun? Tissue please.. nag nose bleed ako nun! Hehe.. Newei, since lahat ay pagod kadalasan tulog, may mga tulog na nagtutulug-tulugan, meron naman ayaw matulog at may tulog na magigising na lang na walang damit (abah.. wala ako kinalaman jan!) kaya gawa na lang ako ng entry.

Nasubukan nyo na bang may kakatok sa pinto sabay sabing “Misis.. di pa ko kumakain, lima piso lang” hay apoo… sakit sa ulo, bukod sa lasing na, tinawag pa akong MISIS! Grr… Although hindi sya isang bisita, pero gaya ng nabasa ko “welcome and entertain them all” kaya binigyan ko na rin and to make the story short… “nagmagandang loob ang lola (bihirang mangyari) at nag abot ng limang piso (again, bihirang mangyari)…” abah, ang loko.. “MISIS, lima paGrr…muka ba kong may asawa? Pag di ka pa umalis babawiin ko yang lima”… Hehe.. di ako nag bibiro, pang tissue din yun! Newei, to make the story short (ulit) umalis na rin malamang papunta na jan sa inyo.. Hehehe (note: kilalang alcoholic po sya sa amin)

But newei, may unexpected visitor naman po na nag iiwan ng malaking pagbabago sa buhay ng isang tao, di mo aakalain na may mga taong bumababa sa estado nila para pumantay sa level ng kalokohan hangang ma realize mo na lang na “feeling mo close na kayo” at “nahipuan” (touched) ka na… ahihihi… Nakakatuwa lang na kahit kaming mag kaka-barkada hindi pa rin makapaniwala na may isang “cute na cute na dyakono” (wag nyo na pakialamanan ang description nya sa sarili nya!) na bumagsak sa lupa at sumasabay sa kalokohan naming barkadahan mapa asado o bola bola pa yan, “nahipuan” pa rin kami. Ahihi... (Malamang gaganti rin ang mga “bugoks” para, ma”hipuan” (ma-touch) ka rin.. bwahaha) Minsan mahirap isipin, pero gaya nga ng sabi ni Bon.. “ganun sya talaga!”, gaya naman ng sabi ni Jorge “ay! pari ba sya?”, at gaya naman ng sabi ni Basti “tulog ako!” ahihihi… In short, lahat po kami nagulat slash nagtaka slash na-shock on how he handle things so.. COOL! How he understands everything and how he appreciate the friendship’s holy bond (naks! feeling close si tina! Baka ma-okray pa ang English! Ahihihi) Hindi namin maisip or ma-imagine na may isang katulad nya na once… our “unexpected visitor”… pero naki merienda na, nag lunch at nag-dinner pa.. hay apoo.. (ahihi) and became our “unexpected friend”.

Thank you Mr. Siopao! Yoko na mag tumbling kasi….
NENE: Nay, nagtumbling ako kanina sa school..
INAY: Gaga, gusto lang nila makita panty mo.
NENE: Lam ko, kaya nga tinago ko sa bag yung panty ko eh! No kala nila sakin, tanga!
Ah-ha! Kaya pala! Tsk tsk tsk… ahihihi


HalleyParrot 4evah

This will be my last..

Ayoko na.. Tama na!

Weh... kala nyo naman totoo noh!? Wapak! Sus, as always wala na naman connection ang title sa entry na toh! Teka, pakape lang muna.. Ok! Na-pressure ako sa last entry ko, mahirap na pantayan yun. Kahit sampung tumbling pa gawin ko at limang split hindi ko na kaya… at baket?? “Pagod ako!” (uy, pahiram muna ng linya!), ahihihi abah! ikaw ba naman ang magtumbling at split lagi, tingnan ko lang kung di ka mapagod! Hay apoo… Ang sakit na! Wahhh… Ahihihi “wink”

So, ano topic ngayon? Since wala naman nag-show sa harapan ko (sino may necktie jan?? ahihiihi) at nasuya lang ako sa mga “Last Hubaderos(naks.. parang title ng movie ah!) ganda.. “The Last Hubaderos” wow.. bonga! bakit nga ba hindi na lang natin gawan ng movie title ang last entry ko! Nice idea… Hmm… bukod sa “The Last Hubaderos” may isa pa ako naiisip… “Ang Tissue at ang Basahan” naks… Gara! Parang langit at lupa, tubig at langis, Lotion or Powder? Wahhh… (mangelam…) Kasama talaga yun!? Hay apoo…

Newei, ganda ng mga feedback sa last entry ko (salamash!), kaya eto magpapasalamat lang po muna ako sa sponsors ko…
  • JOY TISSUE (kahit warak warak ka na..)
    Kaya ang sebong sang katutak
    Sebo ng Mechado, Sebo ng Adobo at Sebo Pacific (read: Cebu Pacific)

  • At sa BASAHAN(dahil sayo kahit basa ka pa (wah!), sumikat entry ko.. talbog ang blind item! Hikhik)

Ok, since pinangalanan na ang blind item kwento ko na lang kung ano nangyari sa show na yun.. bwahahaha… (aha! Wag po koya!) Etong dalawang “hubaderos” sinabihan ko lang ng HUBAD! Abat.. di man lang nagpakipot, sige lang sa pag hubad.. Kala ko pa naman may natitira kahit konting “hiya” sa katawan, di man lang nahiya sa “maskels” (muscles) ko! Hay apoo… ganyan na ba ang nagagawa ng “tigang” Oooppss… wahhh…. Ano po yun?? Ahihiihi (Violated.. Article 0210 (read as ohtuten), of MTRCB), baka may mag react… Helloo… wholesome kaya image ko since birth! Yes.. since birth! (angal?) Ahihihi… pero gaya nga ng nasusulat sa kasabihan… Basa.. “Birds of the same feather are the same bird and I am beautiful” Wehh.. Karamba! so.. ano gusto nyo mangyari??!.. Explain ko pa? Ganon? Wag na…basta intindihin na lang.. bwahahahaa Kasi may chika pa ko, bukod kasi sa Santa hat at necktie pinag tripan din ang white flower (pain reliever oil).. hindi para i-model, kundi sa tapang ng hiyang mag show.. ayun muntik na mapulmunya at umiral ang rayuma… bwahahaha.. wapak! Okray Karamba! Wahihihi….

So ano?? May gusto pa ba mag show dyan?? (clap.. clap.. clap) Go on… I’m waiting.. Room #305 Bwahaha Don’t worry hindi ko kayo ibubulgar, mahirap pa naman ako mag bigay ng clue sa blind item! Ahihiihi Karamba!

Muli na na naman nag painit ng dugo ang inyong lingkod, naway mapagtyagaan at humayo kayong nag tatumbling sabay split… Karamba~~

HalleyParrot 4evah


Hay.. medyo isang tumbling palang nagagawa ko habang nagkakape sa umagang toh naisip ko na agad gumawa ng entry, as always late na ako nagising kasi lagi naman ako late matulog, at bakeet?? (Eh, bat ba kasi nangengelam ka.. isipin mo na lang may tissue ka, at kung wala ka tissue mag tyaga ka sa basahan! ahihihi split!) Ay! Pasensya na po, isang makahulugang salawikain po ang aking natutunan “kung maliit ang tissue, matutong mag basahan” ahihihi walang masama at walang mawawala! Eeewww… Bwahahaha!

But newei, kung napaisip kayo dun, eto pa yung isa. Rache asked me this… Ano daw ba ang OKRAY? Oo nga noh!!? Hmmm… Para masagot natin ang mahiwagang tanong teka… tumbling sabay split muna uli ako! Basta, ang alam ko hindi sya LANGUAGE at lalong hindi sya DIALECT! Baka pag talunan pa yan at makarating pa sa kongreso! Pwes, kung may gustong umapela.. talk to my lawyer! Ok!? Ang OKRAY ay isang salita (hay apoo.. kakasabi lang hindi sya language therefore hindi sya salita!) ah eh.. teka sige na nga gay lingo yata yun (FYI: lingo = language = word) meaning “mam bwisit”, “to annoy” or “to make fun of something” (yata) but since hindi naman ako bakla.. duh.. hindi ko gawain ang mang OKRAY noh! Wala sa isip ko yan gaya ng mga kamunduhang nasa isip ng mga hubaderong nagkalat sa YM! Ahihihi! Hulaan nyo na lang, sige blind item…
  • Ang unang FAFA ay nakilala sa pangalan ng blog nya bilang isang character sa Kiddie Movie na nag ku-Kung Fu na ang pangalan ay katunog ng isang tagapagtanggal ng sumpa na madalas okrayin ni Zenki..

  • Pangalawa, FAFAness na may stasyones na hindi mo makikita sa LRT pero kung mapapadaan ka at mahinto sa Fort subukang hamunin “ah tapang atao, hindi atakbo, asakay elevator atusok atulin”…

Wahhh… Given na given na ha! Ahihihi! Sa mga hubadero…hindi na kayo nahiya sa “muscles” ko! Wah!! Wapak! Dalawa pa lang yan! Balita ko marami pa! ahihiihi!

Eto share ko lang po, sometimes in our life, may mga makikilala tayo na totally will change your views in life. Nakaka aliw na may mga taong sobrang broadminded slash open-minded slash activist (ahihihi..) sa madaling salita sobrang lawak mag isip beyond what you expect regardless of his “respected” status. Lately, may nag add sakin sa friendster, actually nag dalawang isip pa ako kung accept ko or hindi, for the simple reason.. baka kasi di nya masakyan kabugakan ko... Hindi naman masaydo.. in short “not really..” ahihihi (makapag english lang..) Medyo nanginginig pa ako nung i-accept ko ahihihi.. gang nakita ko yung comment nya sa isa kong friend na “nakiki-tumbling sabay split na rin sya” Hay apoo.. Ahihihi.. Aliw! That made me realize na “hindi nga pala masama ang magpakatotoo” and we have to admit na lahat tayo may mga “kalokohan sa buhay”, minsan nakakatakot lang ilabas kasi hindi lahat makakaintindi

Kaya eto ako.. simpleng tao na mahirap intindihin pero nagpapakatotoo! Entyendes!? Ahihihi! Ciao!


HalleyParrot 4evah